Asahan na ang panibagong taas presyo ng produktong petrolyo bago matapos ang buwan ng Abril.
Ayon sa ilang taga-oil industry, posibleng pumalo sa 35 sentimo hanggang 45 sentimo ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Habang 25 sentimo hanggang 35 sentimo ang madadagdag sa kada litro ng diesel.
Samantalang nasa 55 sentimo hanggang 65 sentimo ang itataas naman sa kada litro ng kerosene.
Ayon sa industriya ng langis, maari umanong umakyat ang oil demand sa Estados Unidos kapag nagsimula na ang driving season at ang napipintong pagpapahinto sa oil export ng bansang Libya.