Posibleng magtuloy-tuloy ang pagtaas ng bilihin at produktong petrolyo sa susunod na taon.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, maaring tumaas sa 0.02% ang monthly inflation rate sa taong 2024 dulot ng El Niño phenomenon.
Dagdag pa ng BSP, apektado ang supply ng pagkain at singil sa kuryente sa unang bahagi ng 2024.
Nakikita rin na tatagal pa hanggang ikalawang bahagi ng susunod na taon ang El Niño phenomenon.
Malaki rin ang impact sa inflation rate ng bansa ang patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo, taas-pasahe, at dagdag-sahod para sa mga manggagawa. - sa panulat ni Charles Laureta