Humihirit ang Canned Sardines Association of the Philippines sa Department of Trade and Industry ng tatlong pisong dagdag sa presyo ng lata ng sardinas.
Ayon kay CSAP Spokesman Bombit Buencamino, nag taas na ang minimum wage; gasolina na tumataas baba ang presyo; at sa presyo ng isda nasa 40 pesos na ang gastos sa produksyon.
Aniya hindi naman makakaapekto o makakapagsara sa operasyon sa kahit anong planta ang hinihinging tatlong pisong taas-presyo sa sardinas na ilang taon na nilang hinihirit.
Samantala, humirit din ang philbaking ng limang pisong dagdag sa presyo ng Pinoy tasty at Pinoy pandesal dahil na rin sa tumataas na gastos sa produksyon partikular na rito ang presyo ng asukal at paminsang-minsan na pagtaas ng gasolina.
Pangamba rin ng philbaking na kakaunti ang magiging supply ng tinapay sa pasko dahil nabibigatan na ang mga panadero sa gastos ng produksyon.
Gayunman, pinagaaralan na ng DTI ang hiling na taas presyo ng mga manufacturer.