Inaasahang magkakaroon ng taas presyo o oil price hike sa susunod na linggo.
Ito’y matapos ang tatlong sunod-sunod na rollback nitong nagdaang mga linggo.
Inaasahang tataas ng P0.15 hanggang P.025 ang taas presyo sa gasolina; P0.60 hanggang P0.70 naman sa diesel at kerosene.
Ayon naman sa mga taga-idustriya, ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng unti-unting pagbuti ng COVID-19 situation sa iba’t ibang mga bansa.