Muli namang tumaas ang presyo ng gasolina sa pagpasok ng linggong ito.
Epektibo kaninang alas-12:01 ng madaling araw, P0.35 sentimos ang ipinatupad na taas presyo sa kada litro ng gasolina ng mga kumpaniyang Caltex, Seaoil, at Flying V.
Ganito rin ang ipinatupad na price adjustment sa gasolina ng mga kumpaniyang Phoenix Petroleum at Petron alas-6:00 ngayong umaga.
Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene ang mga kumpaniya ng langis.
Bukod sa pagmamahal ng imported na petrolyo sa world market, nagmahal din ang ethanol na isa sa mga inihahalo sa ibinebentang gasolina.
By Jaymark Dagala