Humiling ng taas-presyo sa Department of Trade and Industry (DTI) ang ilang food manufacturers.
Nabatid na 30 sentimo hanggang P3 ang inihirit na umento ng ilang kumpanya bunsod ng umano’y patuloy na pagtaas ng presyo ng raw materials.
Kabilang ang mga manufacturer ng kape, instant noodles, canned goods, sardinas at gatas sa mga nais magtaas ng presyo.
Sinabi naman ng DTI na masusi nilang pag-aaralan ang hirit ng food manufacturers at tiniyak na hindi magsasabay-sabay ang pagtaas ng presyo ng mga produkto.