Inaprubahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas ng Suggested Retail Price (SRP) sa 82 pangunahing produkto sa bansa.
Ayon sa DTI, bunsod ang taas-presyo nang pagmahal ng materyales at taas-presyo sa langis.
Kabilang sa mga produktong magtatas ng SRP ay ang; bote at container ng tubig, delatang isda, canned fish, processed and canned pork, processed & canned beef, gatas, suka, toyo at patis.
Ang mga produkto namang gawa sa Pilipinas na magtataas ng presyo ay ang; instant noodles, kape, asin, sabong panlaba, kandila, harina, sabon sa banyo, at battery.