Tumaas ang presyo ng ilang isda sa Metro Manila, ilang araw bago ang Holy Week.
Batay sa pinakahuling tala ng bantay presyo ng Department of Agriculture, umabot na sa P180 ang presyo ng kada kilo ng lokal na Galunggong, kumpara sa P170 noong Biyernes.
Nasa P260 naman na ang presyo ng kada kilo ng Alumahan, mula sa 240 pesos nitong Biyernes.
Samantala, bumaba ang presyo ng Bangus na umaabot na lamang sa P150 - P220 kada kilo, mula sa P140 hanggang P250 kada kilo noong Biyernes.
Paliwanag ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, maaaring mas maramdaman ang pag-akyat ng presyo ng ilang isda sa mga palengke sa pagsisimula ng Semana Santa sa Lunes.-sa panunulat ni Charles Laureta