Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang buena manong dagdag presyo sa kanilang mga produktong ngayong unang araw ng Agosto.
Epektibo alas-12:01 kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Flying V ang dagdag na trenta’y singko sentimos (P0.35) sa kada litro ng gasolina; singkwenta sentimos (P0.50) sa diesel at kwarenta sentimos (P0.40) sa kerosene.
Ipinatupad naman ng Petron, PTT Philippines, Seaoil, Eastern Petroleum, Phoenix at Shell ang kahalintulad na price increase ngayong alas-6:00 ng umaga.
Samantala, nagpatupad naman ng dagdag limang piso at tatlumpu’t limang sentimos (P5.35) ang Petron sa kada kilo ng LPG at tres pesos (P3.00) sa kada kilo ng Auto-LPG, epektibo alas-12:00 kaninang hatinggabi.
Isang kahalintulad na price increase din ang inilarga ng Solane sa kada kilo ng kanilang LPG, ngayong alas-6:00.
By Drew Nacino