Nilinaw ngayon ng Department of Energy o DOE na walang kinalaman sa pagtaas ng mga produktong petrolyo ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ayon sa DOE, ang ipinatupad na oil price hike ng mga kumpanya ng langis kaninang umaga ay epekto ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Ipinaliwanag ng DOE na hindi naman nagpo-produce ng sariling langis ang Pilipinas at isandaang (100) porsyento ng kinokonsumong langis sa bansa ay ini-import ng Pilipinas.
Matatandaang knainang umaga, nagpatupad ng umento sa kanilang mga produktong petrolyo ang Flying V, PTT, Seaoil, Eastern Petroleum, Shell, Unioil at Phoenix Petroleum.
Limampu’t limang sentimos (P0.55) ang naging umento sa kada litro ng gasolina, pitumpu’t limang sentimos (P0.75) naman sa diesel habang walumpu’t limang sentimos (P0.85) naman sa kerosene.
Ito na ang ikatlong linggong nagpatupad ng oil price increase ang mga kumpaniya ng langis sa loob lamang ng nakalipas na tatlong linggo.
By Jaymark Dagala / Ralph Obina
Taas presyo sa langis walang kinalaman sa Martial Law—DOE was last modified: May 30th, 2017 by DWIZ 882