Epektibo na ngayong gabi ang taas-singil sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa bansa.
Batay sa abiso ng petron corporation, magtataas sila ng P3.50 sa kada litro ng LPG at P1.96 sa kada litro ng Auto LPG.
Epektibo ito alas-10 ngayong gabi.
Hindi naman mararanasan ng ilang residente ang taas-presyo sa LPG, partikular na ang mga nakatira sa mga lugar na nakasailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Paeng.