Sasalubungin ng taas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang mga consumers sa unang araw ng Hulyo.
Ito ay dahil sa ilalargang taas-presyo ng mga kumpanya ng langis sa LPG, epektibo mamayang alas-12:01 ng hating gabi.
Sa abiso ng Petron Corporation at Phoenix LPG Philippines, nadagdagan ng P0.50 kada kilo ang presyo ng LPG o katumbas ng P5.50 na dagdag sa kada 11-kilogram na tangke.
Habang nagtaas naman ng P0.30 kada litro ang presyo ng kanilang auto LPG.
Samantala, magpapatupad naman ng P0.45 na omento sa kada kilo ng kanilang LPG ang Solane, epektibo alas-6 ng umaga.
Ang nabanggit na taas-presyo ay bunsod naman ng pagtaas sa international contract price ng LPG sa buwan ng Hulyo.