Nagpatupad ng bigtime price hike ang mga kumpaniya ng langis para sa kanilang liquified petroleum gas (LPG) ngayong unang araw ng Hulyo.
Unang nagpatupad ng umento ang kumpaniyang petron kaninang alas dose uno ng hatinggabi, habang ala sais naman ngayong umaga ang sa solane
Limang piso at dalawampung sentimos ang umento sa kada kilo ng lpg ng petron o katumbas ng limampu’t pitong piso at dalawampung sentimos sa kada labing isang kilong tangke nito
Habang limang piso at labing siyam na sentimos naman ang umento ng solane sa kada kilo ng kanilang lpg o katumbas ng limampung piso at labing siyam na sentimos sa kada labing isang kilong tangke nito
Samantala, may dalawang piso at siyamnapung sentimos naman na pagtaas ang petron para sa kanilang auto lpg epektibo rin sa nabanggit na oras