Sumalubong ang taas presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ngayong unang araw ng Pebrero.
Epektibo kaninang alas-12:01 ng madaling araw, nagtaas na ang Petron sa presyo ng kanilang LPG ng 3.88 pesos sa kada litro o higit 42 pesos sa bawat 11 kilos na tangke.
Habang dagdag na 2.17 pesos naman sa kada litro ng Auto LPG.
Epektibo naman kaninang alas-sais ng umaga, naramdaman na ang dagdag na 3.14 pesos sa kada litro ng Solane LPG.
—-