Kinumpirma ng Department of Trade and Industry o DTI ang pagtaas ng presyo ng mga de latang pagkain.
Ayon sa DTI, nagpasabi na ang mga manufacturer ng de lata hinggil sa mahigit pisong dagdag sa presyo ng kanilang mga produkto matapos tumaas ang presyo ng raw materials dahil na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Sinabi ng DTI na hanggang singkuwenta (P0.50) sentimos lamang ang dapat idagdag sa presyo ng canned meat.
Ipinabatid naman ng Philippine Association of Meat Processors na ikakasa nila ang dagdag singil sa presyo ng canned meat pagkalipas ng mahal na araw.
—-