Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hinihinging taas-presyo ng mga manufacturer ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, 2% hanggang 13% taas-presyo ang hinihingi ng manufacturers ng mga de lata, gatas at condiments o iba’t ibang uri ng sawsawan.
Nangangahulugan ito aniya ng P0.50 hanggang P2.00 ang nais ng manufacturers na taas-presyo sa kanilang produkto.
Sinabi ni Castelo na noong nakalipas na Setyembre pa inihain ng manufacturers ang kanilang petisyon para sa taas-presyo.