Sasalubong sa mga motorista sa pagpasok ng Bagong Taon ang taas presyo sa mga produktong petrolyo.
Maglalaro sa P0.60 hanggang P0.70 ang dagdag presyo sa kada litro ng diesel habang P0.20 hanggang P0.30 naman sa gasoline.
Sisipa din mula sa P0.70 hanggang P0.80 ang taas presyo sa kerosene.
Ayon kay Atty. Bong Suntay, pinuno ng Independent Philippine Petroleum Companies Association, asahan na ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa pagpapatupad simula sa unang araw ng taong 2018 ang mas mataas na excise tax.
Tinatayang papalo sa P2.97 ang kada litro na maaaring madagdag sa presyo ng gasolina kasama na ang Value Added Tax (VAT).