Asahan na ang malakihang taas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa pagtaya ng mga kumpanya ng langis, maglalaro sa P2 hanggang P2.20 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.
P1.80 hanggang P2 taas naman sa presyo ng kada litro ng diesel.
Habang piso at dalawampu hanggang tatlumpung sentimo sa kada litro ng kerosene.
Ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod naman pagbawas sa produksyon ng langis sa buong mundo.
Maliban pa rito, inaasahan din ang piso at dalawampu hanggang apatnapung sentimo kada litro na taas presyo sa diesel, kerosene at gasolina bunsod ng ipinataw na 10% dagdag buwis sa importasyon ng petrolyo.