Epektibo na bukas ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Bunsod ito ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.
Sa abiso ng Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Seaoil at Caltex, tataas ng 1.25 cents ang presyo sa bawat litro ng gasolina, habang 90 sentimos naman ang dagdag sa presyo ng diesel.
85 sentimos naman ang dagdag sa presyo ng kerosene ng Shell, Caltex, at Seaoil.
Kaugnay nito, asahan na rin ang anunsiyo ng iba pang oil companies hinggil sa kanilang oil price adjustment.