Matapos ang isang linggong rollback sa presyo ng langis, asahan naman bukas ang ika-12 linggo ng taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, maglalaro sa P8 hanggang P8.15 centavos ang kada litro sa presyo ng Diesel; P8.5 centavos hanggang P8.15 centavos ang singil sa kada litro ng Kerosene; habang P3 hanggang P3.15 centavos naman ang presyo sa kada litro ng Gasolina.
Ang ika-13 linggo ng oil price adjustments sa bansa ay nakitaan ng pinaka mataas na presyo sa pandaigdigan bunsod ng bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa ngayon, isa palang ang ipinatupad na rollback sa presyo ng Pilipinas noong nakaraang linggo ngayong taon na umabot sa P12 kada litro ng Diesel. —sa panulat ni Angelica Doctolero