Umarangkada na ngayong araw, martes ang ikalawang sunod na taas-presyo sa produktong petrolyo.
Una nang ipinatupad ng Pilipinas Shell kaninang alas-sais ng umaga ang 75 centavos hanggang 90 centavos sa presyo ng gasolina; maglalaro naman sa 95 centavos hanggang 1.10 centavos naman ang presyo sa kada litro ng diesel.
Nasa 80 centavos hanggang 90 centavos naman ang itataas sa presyo sa kada litro ng kerosene.
Susundan naman ito ng mga kumpaniyang Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, at Caltex sa kaparehong dagdag-presyo.
Samantala, unanunsyo naman ng mga kumpanya, na ang dagdag-presyo ng kerosene ay hindi ipatutupad sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Ang ikalawang sunod na pagtaas sa presyo ng langis ay bunsod ng pagsipa ng demand at paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.