Lalarga na sa darating na Martes ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Ayon sa Department of Energy, magtataas ng P0.40-P0.50 ang presyo ng kada litro ng diesel; P0.70-P0.80 naman sa kada litro ng kerosene;
Habang P0.40-P0.70 sa kada litro ng gasolina.
Paliwanag ng energy-oil industry management bureau Assistant Director Rodela Romero, ang isa sa mga dahilan ng paggalaw ng presyo ng oil products ay ang nagpapatuloy na geopolitical risks at trade tensions sa ilang mga bansa. - sa panulat ni John Riz Calata