Asahan na bukas ang dagdag-singil sa presyo ng langis matapos ang ika-5 sunod na linggong tapyas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, maglalaro sa P6 hanggang P6.30 ang magiging taas-singil sa presyo ng kada litro ng diesel.
Nasa P1.10 hanggang P1.40 naman ang magiging tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina habang posible namang pumalo sa P2 ang magiging dagdag-singil sa kada litro ng kerosene.
Ayon kay Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad, isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay ang pasya ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) Plus Coalition na bawasan ang oil production ng dalawang milyong bariles bilang suporta sa bumababang presyo ng langis dahil sa agresibong pagpapatupad ng us sa kanilang interest rate hike.