Asahan na ang taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa oil industry, may piso at sampung sentimo hanggang piso at tatlumpung sentimo na dagdag sa kada litro ng diesel habang may limang sentimo ang bawas sa kada litro ng gasolina.
Pero sa pagtaya ng kompanyang Unioil, tataas ng piso at dalawampung sentimo hanggang P1.40 ang kada litro ng diesel habang may P0.10 hanggang P0.20 na dagdag sa kada litro ng gasolina.
Una nang sinabi ni Department of Energy Oil Industry Management Bureau o DOE-OIMB director Atty. Rino Abad na ang panibagong oil price hike sa diesel at kerosene ay dahil sa paghina ng piso kontra dolyar.
Habang hindi pa tiyak kung mayroong dagdag o bawas sa presyo ng gasolina.