Muling sisirit ang presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas matapos ang dalawang linggong rollback.
Batay sa anunsyo ng mga kumpanya ng langis, epektibo ala 6:00 ng umaga ipatutupad ang piso at trenta’y singko sentimos na dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.
Gayundin ang otsenta’y singko sentimos na taas – presyo sa kada litro ng diesel.
Habang piso kada litro naman ang ipatutupad na omento ng mga kumpanya ng langis na nagbebenta ng kerosene.
Samantala, nilinaw naman ng Department of Energy a na wala pang kinalaman sa nangyaring drone attack sa dalawang petroleum facility sa Saudi Arabia ang taas presyo sa mga produktong petrolyo.
Bagkus, bunsod anila ito ng trade war sa pagitan ng US at China at pagbabawas sa reserba ng langis.