Asahan na ang pagtaas sa singil sa kuryente ngayong tag-init.
Ito’y ayon sa MERALCO ay bunsod na rin ng mataas na demand sa kuryente lalu na sa Abril at Mayo kung kailan pinakamainit ang panahon.
Anila, lumalaki ang nakokonsumong kuryente kapag tag-init dahil sa madalas na paggamit ng mga appliances tulad ng aircon o electric fan.
Sinabi naman ng MERALCO na nasa 20 hanggang 25 porsyento ang kanilang karaniwang ipinapataw na dagdag singil sa mga nasabing panahon.