Umaasa si Kilusang Mayo Uno (KMU) Chairman Elmer Labog na ang “sorpresa” ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga manggagawa ay ang pagtataas sa suweldo.
Ang sinasabing “sorpresa” ng Pangulo, ay kanyang iaanunsyo mamayang alas-4:00 ng hapon sa People’s Park sa Davao City.
Madalas kasi, aniyang, ang ibibibigay lamang ng pamahalaan sa mga manggagawa ay ang mga “labor package” na hindi naman natutugunan ang pangunahing problema ng mga obrero katulad ng mababang suweldo at ang kontraktwalisasyon.
“Ang tunay na nagpapababa sa sahod ng mga manggagawang Pilipino ay itong pleksibleng paggawa na ito nga yung malaganap na contractualization.” Ani Labog
Iginiit din ni Labog na isama sa mga dapat gawing regular na mga manggagawa ay yaong mga nasa pagawaan ng mga barko dahil hindi naman natatapos ang isang barko, sa loob lang ng isang buwan.
“Dapat na solusyunan ay yung malaganap na pag-contractualize sa mga posisyon na dapat ay nasa manggagawang regular, linawin yung batas at esensyal na usapan na tapusin na itong sistemang kontraktuwalisasyon tsaka na tayo mag-usap sa mga exceptions, halimbawa yung seasonal, ano ba ito?” Pahayag ni Labog
By Katrina Valle | Balitang Todong Lakas (Interview)
Taas-sahod inaasahan ng mga manggagawa mula sa Pangulo was last modified: May 1st, 2017 by DWIZ 882