Taas sahod ang pangunahing kailangan tugunan ng administrasyong Duterte.
Ito ay batay sa survey na isinagawa ng grupong Tugon ng Masa (TNM) National Survey na isinagawa nuong Enero 26 hanggang Pebrero 1, 2021 sa 1,200 respondents.
Lumabas sa nasabing survey na halos kalahati o 47% ng mga Filipino ang nagsabing sweldo ng mga manggagawang pinoy ang isyung pinaka kailangang bigyang atensyon at aksyon ng kasalukuyang administrasyon.
Samantala, 39% naman ng mga Pinoy ang nagsabing mababang presyo ng mga pangunahing bilihin ang dapat na sikapin ng administrasyon habang 38% naman ang nagsabing dapat na tutukan ng gobyerno kung papaano mapipigil ang COVID-19 virus.