Inaasahang tataas ang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila.
Ito ayon sa regional Tripartite Wages and Prodcutivity Board (RTWPB) ay kasunod nang idaraos nilang pulong sa November 25.
Sinabi ng RTWPB na pinagsusumite na nila ng position papers ang mga stakeholders hinggil sa isinusulong na pagtaas ng suweldo ng mga kasambahay sa kalakhang Maynila.
Magugunitang nitong Enero ay inaprubahan ng RTWPB ang dagdag P500 sa suweldo ng mga kasambahay sa Metro Manila na nasa 6,500 pesos na kada buwan.