Hinimok ng samahan ng mga manggagawa na Kilusang Mayo Uno (KMU) ang Department of Labor and Employment (DOLE) na itaas ang sahod sa lahat ng rehiyon ng bansa.
Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang bilihin na hindi na kaya ng mga mamamayan.
Ayon kay chairperson Elmer Labog, dapat magpalabas ng position paper si labor secretary Silvestre Bello III sa national wages productivity commission, regional wage boards at sa National Economic and Development Authority (NEDA) para sa agarang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa, hindi lang sa Metro Manila kung hindi sa buong bansa.
Aniya, may mga wage increase petition na nakasampa sa iba’t ibang rehiyon ngunit hindi dinidinig ng DOLE.
Sinabi pa ng KMU na hindi nila kailangan marinig ang puro salita sa kalihim, kung hindi dapat nang aprubahan ang mga nasabing petisyon.