Inaasahang tataas ng humigit-kumulang 65 piso ang singil sa kuryente ngayong buwan.
Ayon sa Manila Electric Co. (MERALCO) sakop ng 65 pesos increase ang mga kumukonsumo ng 200 kilowatt per hour (kwh).
Nasa 98 pesos naman kung kumonsumo ng 300 kilowatt per hour. 130 pesos ang 400 kilowatt per hour at aabot ng 163 pesos increase sa 500 kilowatt per hour.
Ayon pa sa MERALCO umabot ang kabuuang rate ng buwan ng Nobyembre sa 9.46 piso kada kilowatt hour (kwh), na mas malaki kaysa noong Oktubre na pumalo lamang sa sero punto tatlompu’t dalawa kada kilowatt hour (p0.32 kwh) na dala ng mataas na generation charges.—sa panulat ni Joana Luna