Nakaamba ang taas singil ng Meralco sa kuryente ngayong buwan.
Ayon sa Meralco, tatlong sentimo ang dagdag sa kada kilowatt hour kung saan katumbas nito ay anim na pisong dagdag sa Oktubre billing na kumokonsumo ng 200 kilowatt hour na ordinaryong kustomer.
Habang 14 na piso naman ang kumokonsumo sa 500 kilowatt hour.
Sinabi ng Meralco na ang rate adjustment ay dulot ng mataas na transmission charge.
Samantala, ito na ang ika-pitong sunod na buwan na nagtaas ng singil sa kuryente ang Meralco mula nuong Abril.
Asahan rin na may dagdag singil sa kuryente sa susunod na buwan dahil sa maintenance shutdown ng Malampaya plant.