Ipinatupad na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang mas mataas na card issuance fee para sa Beep card sa LRT Line 2 (LRT-2).
Ayon sa LRTA, simula kahapon, January 1, P30.00 na ang issuance fee para sa stored value na Beep card mula sa dating P20.00 lamang.
For passengers who will avail of the Stored Value Tickets, kindly read this advisory: pic.twitter.com/PkQHwxrl6S
— LRT2 (@OfficialLRTA) January 2, 2020
Sinabi ng LRTA na ang dagdag-presyo ay batay sa concession agreement na nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at AF Payments Incorporated para sa itinakdang issuance fee sa stored value tickets.