Inanunsyo ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang posibleng taas singil sa kuryente sa mga susunod na buwan buhat parin ng sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon kay Energy Chairperson Agnes Devanadera, bagamat mayroong mga inaasahang dagdag sa singil sa kuryente ay hindi naman magiging lubhang mataas ang inaasahang increase.
Binigyang diin din ni Devanadera na ginagawan naman nila ng paraan upang hindi ganoon maging mabigat ang epekto ng pagtaas presyo sa mga konsumer.
Samantala, iminungkahi rin ng ERC sa mga konsumer na iwasan na ang pagtangkilik sa fossil fuel tulad ng mga coal na ginagamit bilang panggatong dahil tinataasan rin ng mga planta ang presyo nito sa kanila. —sa panulat ni Mara Valle