Tila inunahan na ng Department of Energy (DOE) ang publiko o mga consumer sa Luzon hinggil sa inaasahang mataas na singil sa kuryente.
Kasunod na rin ito nang naranasang manipis na suplay ng kuryente sa Luzon, dahilan kaya’t inilagay ang Luzon grid sa yellow at red alert sa loob ng tatlong magkakasunod na araw.
Sinabi ni Energy Undersecretary Felix Fuentebella na malaki ang tiyansang tumaas ang singil sa kuryente dahil sa mataas na demand nito at mababang supply.