Asahan na sa mga susunod na buwan ang taas-singil sa kuryente sa bansa.
Ito ay matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang petisyon ng National Power Corporation (NAPOCOR) na i-recover ang 2.6 billion pesos shortfall sa rural electrification subsidy noong 2012.
Sa resolusyong inilabas na may petsang Agosto a-kwatro, binigyan ng final authority ng ERC ang petisyon ng NAPOCOR na maibalik ang kulang sa Universal Charge-Missionary Electrification (UC-ME) noong 2012.
Nagkakahalaga ito ng mahigit 2.6 billion pesos o katumbas ng 0.0239 per kilowatt-hour.
Sa ilalim ng kautusan, aatasan din ang lahat ng Distribution Utilities (DUs) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na kolektahin sa mga consumers ang nawalang halaga sa loob ng 12 buwan o hanggang sa maipon na ito.