Asahan naman ngayong buwan ang mataas na singil sa kuryente ng Manila Electric Company o Meralco.
Ayon sa Meralco, aabot sa halos P9.46 ang kada kwh at posibleng umabot sa P65.12 ang kabuuang bill ng isang customer na kumukunsumo ng 200 kph para sa buong buwan ng Nobyembre.
Maglalaro naman sa P97.68 ang kabuuang bill ng mga kumukonsumo ng 300 kwh at P162.6 naman para sa mga kumukunsumo ng 500 kwh.
Nabatid na tumaas ang bayarin ng mga residential customer dahil sa generation charge bunsod ng nangyaring Malampaya facility maintenance shutdown matapos ang pagtaas ng costs of power mula sa wholesale electricity spot market o w-e-s-m at independent power producers o ipps.
Nabatid na ito na ang ika-walong buwan ng sunod-sunod na pagtaas sa household power rate ng Meralco. —sa panulat ni Angelica Doctolero