Asahan na ang mas mataas na bill sa kuryente ngayong buwan.
Ayon sa Manila Electric Company o Meralco, magpapatupad sila ngayong buwan ng dagdag singil sa kuryente ngunit hindi naman magiging kasinlaki sa ipinataw noong Pebrero at Marso.
Paliwanag ng Meralco, ang pagtataas ng presyo ng kuryente ay bunsod ng pagtaas ng presyo nito sa spot market na isa pinagkukunan ng suplay ng kumpanya.
Ito na ang magiging ikatlong sunod na buwan na magkakaroon ng dagdag singil sa presyo ng kurytente.
Matatandaang nasa 75 centavos per kilowatt hour ang dagdag singil ng Meralco noong Pebrero habang 85 centavos naman per kilowatt hour noong Marso.
—-