Inaasahang tataas muli ang singil sa kuryente ng Meralco sa buwan ng Mayo.
Ito ang sinabi ni Larry Fernandez, vice president at Head of Utility Economics ng Meralco sa pagdinig sa senate Committee on Energy.
Maaapektuhan aniya ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ang re-pricing sa second quarter ng malampaya natural gas para sa first gas na pinakamalaking source ng kuryente ng Meralco.
Papasok naman aniya ang epekto nito sa Meralco billing sa buwan ng Mayo.
Wala namang ibinigay si fernandez na pagtaya o estimate kung magkano ang posibleng itataas sa singil ng kuryente.
Una nang nag-anunsyo ng 6.25 sentimos kada kilowatt-hour na taas-singil sa kuryente ang Meralco o halos 13 pesos na dagdag sa bill ng mga bahay na kumokonsumo ng 200 kilowatt-hours kada buwan.