Taas-singil sa toll ang posibleng sumalubong sa mga motorista pagpasok ng taong 2016.
Ito’y dahil sa humirit na ang iba’t ibang tollways tulad ng NLEX, CAVITEX at SCTEX ng 15 porsyentong umento sa kanilang singil sa toll.
Batay sa petisyon ng NLEX, nais nitong gawin sa P46.81 pesos ang kanilang singil sa open system mula sa dating P40.62 pesos.
Habang P2.74 pesos kada kilometro naman ang hirit na dagdag singil para sa kanilang closed system mula sa dating P2.38 pesos.
Sa SCTEX naman, P4.16 pesos kada kilometro ang hirit nilang umento sa singil para sa class 1 vehicles.
Habang sa CAVITEX naman, nais nitong taasan ng P5 piso ang singil para sa class 1, P10 piso para sa class 2 at P15 piso para sa class 3 vehicles.
Ngunit paglilinaw ng mga toll companies, hindi pa kasama rito ang 12 porsyentong value added tax kaya’t asahan na mas malaki pa ito kaysa sa inaasahan.
Power rate hike
Samantala, inanunsyo ng Manila Electric Company o MERALCO ang pagtataas nila ng singil ngayong buwan.
Ito’y sa kabila ng inaasahang mataas na pagkunsumo ng kuryente kasabay ng panahon ng Kapaskuhan.
Ayon sa MERALCO, P0.055 centavos per kilowatthour ang ipatutupad nilang dagdag singil.
Katumbas ng P11 pesos na dagdag sa kada 200 kilowatthour na konsumo.
Paliwanag ng MERALCO, nagkaroon ng pagtaas sa kanilang generation and other charges.
Magugunitang pinayagan ng Energy Regulatory Commission o ERC na magtaas ng singil ang National Power Corporation o NAPOCOR na isa sa mga pinagkukunan ng kuryente ng MERALCO.
By Jaymark Dagala