Ibinabala ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate ang taas singil sa kuryente dahil sa Tax Reform Bill ng Duterte administration.
Ayon kay Zarate, tiyak na magmamahal ang kuryente kapag itataas ang excise tax sa produktong petrolyo partikular sa diesel at bunker fuel na ginagamit sa produksyon ng kuryente.
Sa pagtaya ng kongresista, Piso at Limampung Sentimos ang itataas sa singil sa bawat kilowatt hour ng kuryente sa oras na matuloy ang implementasyon ng tax reform bill.
Sinabi ni Zarate na posibleng ang Mindanao ang tatamaan nito dahil Dalawampung porsyento sa nasabing rehiyon ay nakadepende sa oil fired power plants.
By: Meann Tanbio