Namumuro nanaman sa susunod na buwan ang taas-singil sa kuryente.
Ito’y matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission ang dagdag-singil upang pondohan ang mga planta para sa renawable energy gaya ng solar wind at hyroplants.
Batay sa anunsyo ng Meralco, magiging 11 centavos kada kilowatt per hour ang singil sa kuryente sa Marso o katumbas ng pitong pisong dagdag sa bill sa mga komukonsumo ng 200 kilowatt per hour sa isang buwan.
Sinabi ng electric company, na taga-singil lamang sila ng fit all charges at hindi sa kanila napupunta kundi inireremit sa national transmission corporation.
Maliban sa total adjustment, pinawi ng Meralco ang pangamba ng mga konsyumer dahil wala nang naka-ambang dagdag-singil sa kuryente.