Posibleng maramdaman hanggang Mayo ang dagdag na singil sa kuryente dulot ng maintenance shutdown ng Malampaya natural gas facility.
Ito ay matapos na hilingin ng Manila Electric Company (MERALCO) sa ERC o Energy Regulatory Commission na utay-utayin ang mahigit pisong (P1.00) dagdag singil upang hindi mabigatan ang mga consumer.
Ayon kay MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga, maaring ipataw ang tatlumpung sentimong (P0.30) dagdag sa Marso, tatlumpung sentimo (P0.30) sa Abril at ang nalalabi sa Mayo.
Sa Marso inaasahang ilalabas ng ERC ang desisyon nito sa naturang petisyon.
By Rianne Briones