Magtataas ng singil sa generation charge ang Manila Electric Company o MERALCO sa kanilang mga konsyumer ngayong buwan.
Ito’y ayon kay Joe Zaldarriaga, Vice President for Communications at tagapagsalita ng MERALCO ay dahil sa sunud-sunod na pagtataas ng yellow alert o pagnipis ng suplay ng kuryente.
Matatandaang makailang ulit nang inilagay sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang Luzon Grid dahil sa pagnipis ng suplay ng kuryente dulot ng mataas na demand dito.
Sinabi pa ni Zaldarriaga na posible pang umabot hanggang sa Agosto ang mataas na singil sa kuryente dahil pa rin sa manipis na suplay ng kuryente sa Luzon.
Paglilinaw pa ng MERALCO, may ilang pagkakataon na ring pumalo ng hanggang P30 pesos kada kilowatt hour ang presyo ng kuryente sa spot market bagama’t hindi ito nagiging dahilan para itaas ang singil sa kuryente sa mga konsyumer.
By Meann Tanbio