Nagbabadya ang taas singil sa kuryente sa mga lugar na sineserbisyuhan ng National Power Corporation o NAPOCOR.
Ito’y matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission o ERC ang hirit nitong power rate adjustment.
Nakasaad sa petisyon ng NPC, aabot sa P2 kada kilowatt hour ang taas singil sa kuryente para sa Luzon.
Dalawang piso at tatlumpu’t dalawang sentimos (P2.32) ang inihihirit na taas singil sa kada kilowatt hour sa Visayas habang P1.45 naman kada kilowatt hour sa Mindanao.
Batay sa petisyon ng NPC, ang mga nasabing umento sa singil ay bunsod ng gatos sa kanilang operasyon bilang resulta ng paggalaw ng presyo ng langis na ginagamit sa paglikha ng kuryente.
Sa sandaling aprubahan, tatagal ito ng dalawang taon hanggang sa mabawi ang nalugi ng NPC na aabot sa mahigit P1 bilyong piso.
By Jaymark Dagala