Inanunsiyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na maaaring madagdagan ang pasakit ng publiko dahil sa nagbabadyang taas-singil sa kuryente ngayong Hunyo.
Ito ay bunsod pa rin ng walang humpay na pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.
Aminado ang meralco na karamihan sa mga planta ng kuryente ay gumagamit ng coal at natural gas, na ang presyo sa world market ay nakadepende sa presyo ng langis.
Sa taya ay maaring itaas ang singil sa kuryente sa june billing mula ¢30 hanggang ¢40 per kilowatt hour.
Sa mantala, maging ang Energy Regulatory Commission ay aminado na mahirap pigilan ang taas-singil sa kuryente dahil sa mahal na petrolyo.