Asahan na ang bahagyang pagtaas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company (MERALCO) ngayong buwan.
Ito, ayon kay MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga, ay bunsod ng paghina ng piso kontra dolyar at pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Dolyar anya ang ibinabayad ng MERALCO sa ilang power supplier habang ang iba ay gumagamit ng diesel bilang panggatong.
Inaasahang tataas pa ang presyo ng krudo matapos magkasundo ang mga miyembro ng organization of petroleum exporting countries na magbawas ng supply na may malaking epekto mga power plant na gumagamit ng diesel.
By Drew Nacino