Pinangangambahan ang taas-singil sa kuryente ang bumungad sa mga konsyumer na sineserbisyuhan ng Manila Electric Company o MERALCO sa pagpasok ng Bagong Taon.
Ito’y dahil sa namemeligrong magkulang ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila na tatagal ng 25 araw.
Ayon sa MERALCO, may nakatakda kasing maintenance shutdown ng Malampaya Natural Gas Facility mula Enero 28 hanggang Pebrero 16 ng taong 2017.
Kaya naman, sinabi ng MERALCO na aangkat sila ng karagdagang suplay ng kuryente mula sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM sa panahong naka-shutdown ang Malampaya
Batay sa tantya ng MERALCO, aabot sa 700 megawatts ng kuryente ang posibleng mawala sa panahong nakatigil ang operasyon ng nasabing pasilidad.
By Jaymark Dagala