Posibleng magkaroon ng pagtaas sa electric bills sa Setyembre.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, VP for Corporate Communications ng MERALCO, ito ay dahil sa nararanasang insidente ng kakulangan ng suplay sa Luzon grid ngayong buwan.
Wala naman inaasahang paggalaw sa singil sa kuryente para sa bill ngayong buwan dahil stable ng suplay ng kuryente noong Hulyo.
Bahagi ng pahayag ni Joe Zaldarriaga
Red alert
Mayroong posibilidad na hindi pa din magkaroon ng rotational brown out sa Luzon sa kabila ng itataas na red alert simula ngayong tanghali.
Ipinaliwanag ni Joe Zaldarriaga, ito ay dahil sa 250 megawatts na maaring magmula sa interruptible load program o ILP.
Bahagi ng pahayag ni Joe Zaldarriaga
Tiniyak din ni Zaldarriaga na iniiskedyul ang maintenance ng mga planta, maliban na lang sa pailan-ilan na biglang nag shu-shutdown.
Bahagi ng pahayag ni Joe Zaldarriaga
Batay sa pagtaya ng NGCP, posibleng kulangin ng 203 megawatts ang suplay ng kuryente sa Luzon mamayang hapon dahil pa rin sa mga bumagsak at under maintenance na mga planta ng kuryente.
By Katrina Valle | Karambola