Posibleng magmahal ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (MERALCO) sa susunod na buwan.
Ito, ayon kay Larry Fernandez, Head ng Utility Economics ng MERALCO, ay dahil sa pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.
Ipinaliwanag ni Fernandez na imported ang langis at coal na ginagamit ng mga generation companies at maaari itong maapektuhan ng pagbaba ng palitan ng piso.
Sa kabila nito, makabubuti aniyang hintayin na lang ang final bill, dahil nasa records low sila ngayon at posibleng hindi gaanong maramdaman ang pagbaba ng halaga ng piso.
By Katrina Valle